<body bgcolor="#ffffff" text="#464646" link="#999999" vlink="#999999"><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=10718926&amp;blogName=The+JAYNA+Monologues&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Fthejaynamonologues.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Fthejaynamonologues.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
THE JAYNA MONOLOGUES
BUHOL-BUHOL NA SALOOBIN AT SAMUT-SARING TRAIN OF THOUGHT



Wednesday, October 21, 2009

Heto na ... heto na ... heto naaaaaa ... Waaaaahhhh !!!

Teaser

Wala ng atrasan. Talagang lubog na lubog na ang mga paa ko sa bakbakan. Inabutan na ako ng mala-application form at pag-fill out pa lang ng Idol Profile at Celebrity Slumbook, nakakaloka na.

Heto ang mga tanong:

Profile:

How did you start in APS?

I was referred by a good friend from Oiklink way back 2004 and was eventually deployed to DR, Batch 1. After 4 blissful years of being an eRep, I was transferred to Bistek, shortly after the account was terminated, where I was initially part of the OPT then transferred to Eyab where I am currently one of the case managers.

What is an APS Idol?

Somebody who not only possess a golden voice but a golden personality -- should be dedicated, dependable, trustworthy, resilient and hardworking – qualities that an A****ian should have. (bolera!)

What is your most memorable experience?

Having met different personalities (charing na lang. Walang maisip)

Celebrity Slumbook

When did you start singing?

Practically when I was still a fetus. (may bibig na ba ang fetus?)

What is the usual message of your song?

Nothing in particular. As long as I like the melody, I sing it. (Pati Seiko wallet jingle, pinatos ko)

Who are your music influences?

Growing up in a ‘musical’ family and being exposed to a wide music genre left me no chance to be influenced by a particular artist. (dami talaga eh!)

What is your dream gig?

Singing my grandma’s favorite kundiman ‘Pakiusap’ with the Manila Philharmonic Orchestra. (parang Lea Salonga lang)

Music icon you would want to trade places with?

Alicia Keys – beauty, brains and musical bravado

Which song would you like to revive?

Rock with you in Bossa Nova

What will be the title of your first album?

Ginres (Will contain songs that will showcase my versatility ranging from pop, rock, jazz, classical and R&B)

-- Timeless dapat o kaya Life Begins pero yan na lang para medyo may lalim

What is your singing style?

I may love singing different genres but I’m more comfortable with Jazz.

What song will you dedicate to a loved one?

Wind Beneath My Wings (syempre, para sa parents ko. Sinong iniisip n'yo???)

Create a title for yourself

The Jaynamite (Amplifier sana ang ilalagay ko kaso parang tunog player ng UFC o wrestler kaya yan na lang.)

O, di ba? Mismong-mismo!!! Ah-um!!! Ramdam ko na rin ang mga naramdaman ng mga lumahok sa American Idol, Philippine Idol at kung anu-ano pang Idol.

Nakakataba ng puso na todo ang suporta ng Bistek (kahit na iiwan ko sila), as in nakaka-touch kaya naman kahit labag sa loob ko (noong una), pinaghahandaan ko na ngayon ang sabong. Fast songs ang Waterloo ko kaya binubugbog ko ang tenga ko ngayon ng mga kantang pang-yugyog.

Sa November 6 daw ang semis, di pa alam hanggang ngayon kung ano'ng genre ang paglalabanan. Bahala na. Basta promise, lagi ko kayong babalitaan ng mga pasabog!

Official logo? (Thanks, Ross)

Binalibag Ni Choleng ng 9:48 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, October 19, 2009

Ang bagong gamot sa LBM
Pasintabi lang po sa mga kumakain. Hindi ko lang matiis na hindi maibida.

Sa dining table ako kadalasang lumilikha ng blog kada Linggo ng gabi kaya nakita ko ang paghagibis ng Daddy ko sa 'comfort room.' (Sanay na kami sa ganitong eksena dahil sirain talaga ang tiyan ni ama). Paglabas, dumaing na masama ang t'yan, napasama ng kain, may LBM daw pero nakainom na ng gamot. What's new?

Laking gulat ko ng wala pang isang oras ay heto na naman siya at muling humahangos sa 'palikuran.' Nag-aalala kong hinabol ng tingin nang mapansin ko ang Solmux sa mesa. Tumayo ako at itinabi. Hay, ang uhugin kong kapatid, nakaiwan na naman ng gamit sa mesa, isip-isip ko.

Maya-maya pa'y lumabas na si ama, lumapit sa mesa at tila may hinahanap.

"Ang gamot ko?" tanong.

"Ano hong gamot?" balik kong tanong.

"'Yung nandito sa mesa."

"Ito ho bang Solmux?" Kinuha ko sa pinagtaguan. "Ito 'yung nakita ko sa mesa..."

Natigilan si ama. "Solmux?"

"Oho, Solmux yan."

"Kaya pala hindi tumalab!"

Ewan ko sa inyo. Ang layo naman ng hitsura ng Solmux sa Diatabs noh!

Binalibag Ni Choleng ng 9:15 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, October 17, 2009

Sabado Kabado


Dami namang araw pero bakit ipinagsiksikan sa Sabado?

Dapat ay relax na relax na ako dahil huling araw na ng pasok pero tama ba namang sa isang araw maganap ang lahat?

Una, ipinatawag ako sa 'command center' para sa job offer (angal pa ko?). This is it! Totoong-totoo na, may kasulatan at pinapirma na ako ng kontrata. Talagang simula November 1, paalam Bistek na ako. Masaya dahil finally nakuha ko na ang gusto ko pero malungkot din dahil sa mga maiiwan tapos may posibilidad pa na hindi Sabado't Linggo ang rest day. Masasagasaan ang misa ko sa Megamall kapag nagkataon. Hay, bahala na si Santa Cecilia.

Saglit pa lang akong nakakabalik sa station ko, ipinatawag naman kaming mga taga-Eyab ng SVP para sa isang FGD (Focus Group Discussion) kasama ang mga taga-research department. Umaatikabong balitaktakan hinggil sa ikauunlad ng Bistek na hindi ko gaanong nanamnam dahil ipinatawag na ako ng organizers ng PS Idol Vertical Elimination.

Hindi pa naman actual na contest kundi pipiliin pa lang kung sino ang 'isasabong' sa iba pang mga tropa pero todo ang nerbiyos ko dahil wala sa kondisyon ang boses ko. Ni walang vocalization. Paano kung tumilaok ako? Nakakahiya naman sa mga umaasang ako ang mapili. Ilan nga ba yung pumirma sa signature campaign?

Awa ng Diyos, nakaraos naman ang inginawa ko'ng Piano in the Dark (walang biro, ngawa ang ginawa ko dahil hirap na hirap kong abutin ang high notes), nagustuhan ng 6 na judges kahit nakalimutan ko ang lyrics. Opo, nakakahiyang aminin pero nakalimutan ko ang lyrics! Sa sobrang takot na baka sumablay dahil wala ngang practice at vocalization man lang, idagdag pa na kagagaling ko lang sa dalawang meeting, ang kantang makakanta ko kahit tulog, tila na-liquid paper sa utak ko. Buti na lang may nagbato ng lyrics kaya nakakanta ako.

Akala ko tapos na ang kalbaryo pero Round 1 lang pala yung dinatnan ko. Mula sa 12, pumili ng Top 6 tapos kanta ulit, ibang naman. Patay tayo d'yan, lyrics na naman!

Binigyan kami ng 15 minutes para mag-isip ng kanta. Dami-dami pinagpilian, kagulo ang mga Bisteks, kanya-kanya'ng suggestions hanggang nauwi sa I'll Never Love This Way Again. Di naman nalapastangan ang kanta dahil may kodigo.

Mula sa anim, dalawa lang ang pipiliin para i-represent ang T&T. Sa tulong ni Lord, tilian ng mga taga-Bistek at ng mahiwagang kodigo, pasok ako sa banga kasama si Piano Man ng Zoneriv.

Hay, 'yan ang hirap ng alipin ng videoke, dependent sa kodigo ... nangkupo, sana sa actual na competition videoke style ...

Simulan ko na raw uminom ng memory enhancement drink ... Enervon prime?

Mga ulangya kayo!

P.S.

Mapag-aralan na nga ang Jai Ho.

Binalibag Ni Choleng ng 9:00 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, October 16, 2009

Bistekupo of the Week
Out of warranty na yung telepono ng customer, gusto ng libreng kapalit. Nang pinadalhan ko ng makabagbag-damdaming email na hindi puwede, heto ang isinagot:

Tampo?

Binalibag Ni Choleng ng 8:55 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, October 13, 2009

Signature Campaign
Sabi nga nila, if you have it, flaunt it pero sa larangan ng taunang PS Idol (American Idol inspired contest sa aming kumpanya), napagdesisyunan ko'ng huwag nang sumali dahil sa tingin ko, dapat bigyan ng pagkakataon ang mga mas 'sariwang' talent pero may magagawa ba ako dito?



Photobucket Photobucket

Signature campaign (sa pamumuno ni Nicole, Ms. Earth ng Bistek) para lang sumali ako, pano pa ako makakahindi?

Nicole, Ms. Earth - Bistek Chapter

Good luck sa akin. St. Cecilia, ikaw na lang po ang bahala sa akin. Huwag ko sanang biguin ang mga lumagda sa campaign. (Hanep, parang pulitiko!)

Binalibag Ni Choleng ng 7:54 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, October 10, 2009

Up Parma Down

Nakapanlulumo ang kasalukuyang nangyayari sa ating bansa. Hindi pa man nakababangon ang Kalakhang-Maynila sa hagupit ni Ondoy, heto at Norte naman ang isang linggo nang binabayo ni Pepeng. Sa pagkakatanda ko, ngayon pa lang may bagyong nag-overstay sa Pinas.

Hindi ko mapigilang malungkot at panghinaan ng loob.

Noong isang buwan lang, plano naming bumili ng dining at living room set bago magpasko pero pagkatapos ng nangyaring pagbaha sa amin, bigla akong nag-isip. What's the point? Ano ang silbi ng magandang muwebles kung ang bahay mo'y babad at puro ka alipunga?

Naiba na tuloy ang goal ko. Isantabi muna ang muwebles, gadget at kung anu-ano pang luho, pagpapataas ng bahay at pagpapagawa ng rooftop ang pangarap ko o dili kaya, bumili ng isang bahay sa mataas na lugar pero para matupad, kakailanganin ng mga isang milyon. Saang palad ng Diyos ko kukunin ang ganoong kalaking halaga? Simulan ko ng tumaya sa lotto o maglaro sa Singing Bee?

Hay, hirap nang mabuhay sa mundo. Kunsabagay, ang mga nangyayari ay ganti lamang ng Inang Kalikasan sa mga salaulang tao'ng walang habas siyang niyurakan at kasalukuyang niyuyurakan. Basurang tinapon, ibinabalik lang. Napakasakit dahil hindi naman ako nagkakalat pero damay pa rin.

Binalibag Ni Choleng ng 8:58 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, October 08, 2009

Sa Ikatlong pagkakataon
Nawalan na ako ng pag-asa at isinumpa ko sa sarili ko'ng hindi ko na aaplayan ang lekat na 'command center' ng PS dahil lagi akong ligwak.

Ewan ko nga ba, dami namang ibang posisyon pero dito talaga ako gigil na gigil. Hilig ko k'se ang mag-isip, mamula at lumuwa ang mata at maging puro numero ang mga mata at reports ang dighay ko.

Kung kelan naman nagbakasakali lang ako dahil masaya naman ako sa Eyab at sa tingin ko eh wala akong kapag-a-pag-asa na makalusot dahil ni isa sa dalawampung excel questions ay hindi ako pamilyar at saka naiba ang hihip ng hangin. Akalain n'yong pasado ako at ang nakakapagpabagabag at nakakapagpanginig ng bilbil eh ang feedback na "I did good in the exam."

Huwat? Promise, Russian ang mga tanong pero iba talaga kapag kasama si Bro. Iginiya nya ang ballpen ko sa pag-choose the best answer.

Abot-kamay na subali't, datapwa't, sapagka't, alalaong-baga'y hindi pa rin lubusang abot. Hinarangan ng mala-Akon na client ang training ko sana at hindi ako pinayagang umalis hangga't wala'ng kapalit kaya hayun, sa November 1 na raw ang lipat ko sa command center.

Sagwa, November 1, Araw ng mga Patay ... hindi kaya nakakamatay sa ATO?

Magkakaalaman!

Hmp, kung black lace* lang talaga sa Eyab, hindi na ako aalis!

*black lace - ito ang pinaka-passport ng isang empleyado ng PS para makapagpasok ng bag at cellphone. ID lace baga. Kapag pula ang lace mo, dun ang gamit mo sa locker, deposit naman sa guard ang cellphone. Hassle!

Binalibag Ni Choleng ng 8:36 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Monday, October 05, 2009

Laaaaand!!!
Himala ng mga himala!

Dalawang linggo lang, wala ng baha sa amin at ang isa pang himala, lubog pa rin sa kasalukuyan ang Pasig.

Hindi naman sa nang-aasar ako sa mga taga-Pasig (pero parang ganun na nga). Noon k’seng mga nakaraang taon, pag binaha na sa amin, inaabot ng buwan bago humupa at talaga namang amoy imburnal na bago kami tantanan ng baha pero ngayon, napakabilis humupa samantalang nakapabagal naman ng sa Pasig.

Ayon sa mga narinig ko, may kinalaman ang C6 sa mabilisang ginhawang tinatamasa namin. Di ko lang sigurado kung tama ang dinig ko pero may ‘panghigop’ yata ng tubig na may kinalaman sa construction nito. Kung anuman yun, salamat kay Mayor Tinga. Pabor sa Taguig, pasakit sa Pasig .

Sa isang banda, patas lang naman. Ilang taon din naman kaming nagdusa, kayo naman!

Binalibag Ni Choleng ng 8:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, October 04, 2009

Cheers!
Ngataan imbes na ngawaan ang muling pagkikita ng KOC (Key of C) kanina sa Rob Ortigas. Muntik nang di natuloy, salamat at nakisama si Pepeng Malaki:

Festive mood, daming dahilan para magdiwang. Eto yun:
  1. Nakaligtas ang lahat sa galit ni Ondoy (well, ako di pa yata ligtas ... sa alipunga!)

  2. Daming food (sa panahong maraming umaasa sa relief goods, nakakakonsensiya ang bawa't subo.)

  3. Birthday nina Paeng, Papa Boyet and Mannix.

  4. Despedida ni Ed (umuwi lang mula SG para matulog sa NAIA, maglusong sa baha at maglimas ng binahang bahay at ipagawa ang lumubog na mga sasakyan)

  5. Blackbelter na si Micah sa taekwondo gayong Grade 2 pa lang ang inaanak namin ni Jomarie.

  6. May take out para sa mga nasalanta ng bagyo (salamat naman, purga na kami sa noodles at sardinas! Makakatikim rin ng pasta ang mga sikmura namin!)

Tama na ngang kalokohan, heto na ang ilan sa mga larawan:

Photobucket

Cheers!

Photobucket

Sandamakmak na pagkain ...

Photobucket

... at ang main course ...

Photobucket

Chikahan

Photobucket

Sige na, Ligaya, kaya nating ubusin 'yan ...

Photobucket

Alam ko stolen shot ito. Hindi halata.

Photobucket

Pa'no kaya namin 'to uubusin?

Photobucket

Relief goods ...

Photobucket

.... at ang mga nasalanta ...

Salamat sa lahat ng sponsors. Bonj, hihintayin namin ang pasabog mo pati na rin ng mga may kaarawan ng November ... oops, isa pala ako dun!

Binalibag Ni Choleng ng 10:54 AM at 0 Nagdilim ang Paningin


Lusong, Taguig, Lusoooong!!!
Hindi na bago sa amin ang 'baha' dahil gaya nga ng nabanggit ko, may panahong halos taon-taon ay nalulublob kme pero salamat sa siyensiya, mga sampung taon din kaming di inaalipunga kaya naman nang tumaas ang tubig noong Sabado, labag man sa loob ay alam na namin ang dapat gawin. Isalba ang dapat isalba at pagtiisan ang kalagayan.

Salamat din sa siyensiya, nahuli ng pipitsugin kong camera phone ang ilan sa mga eksena sa aming nayon. Masdan at nang may matutunan:

Photobucket

Isang linggo matapos dumalaw si Ondoy, maitim na ang tubig.

Photobucket

Terrace namin yan dati, naging tindahan due to public clamor.

Photobucket

Business as usual, nagpagawa ng hagdan.

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Living room dati, naging bodega na ngayon.

Photobucket

Hagdan papuntang tindahan, nagmukhang batalan.

Photobucket

Di ito kuha sa estero, ground floor namin yan.

Photobucket

Kuha mula sa tricycle

Photobucket

... saka sa jeep ...

Photobucket

Photobucket

Salamat at di tayo sinalasa ni Pepeng. Kung nagkataon, pa'no na kme? OMG!

Binalibag Ni Choleng ng 8:44 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, September 26, 2009

Ang Mapanlinlang na si Ondoy
Hindi kami masyadong nabahala kay Ondoy dahil 85 kph lang naman at mababa pa ang level ng tubig sa karatig na ilog. Ipinagmalaki din ng mga barangay officials sa amin na hindi na muli pang babaha dahil may sarili na'ng pumping station ang Taguig.

Kaya naman laking gulat ko nang pagkagising ko kahapon ng 3:00 eh tanungin ako ng kapatid ko, "Alam mo na ba ang nangyayari? Tumingin ka sa labas..."

Kahit nakapantulog, gulo-gulo ang buhok at may bakas pa ng TL, lumabas ako sa terrace at nagulat ako sa eksenang tumambad sa akin.

BAHA??? Hanggang binti sa kalye! Nagkakagulo na pala ang sambayanan nang wala akong kamalay-malay?

Akala ko ba hindi na babaha? Sobrang dami raw ang hatid na ulan ni Ondoy na katumbas ng isang buwang ulan kung kaya't nagpakawala ng tubig ang ilang dam kaya naman ang ilang lugar na di binabaha eh nakatikim ng pagdurusang ilang taon din naming pinagdaanan.

Hay, baha na naman. Sus! Para namang di k'me sanay. Ano pa bang magagawa kundi kumilos, iligtas ang maililigtas at magdasal. K'se naman, mga sampung taon na rin sigurong hindi kami binabaha at kahit ang super typhoon na si Milenyo hindi kami binaha. Isang mahina kunong Ondoy lang pala ang magpapalubog sa amin!

Sa isang banda, masuwerte na rin kami kumpara sa mga na-trap sa bubong na tila mga basang sisiw na walang makain. Wala namang problema sa mga gamit namin k'se sa second floor na kami tumira mula nang taon-taon kaming binaha. Ang malaking problema ay ang mga paninda namin sa tindahan na sa sobrang dami eh hindi mo alam kung saan isasaksak. Heto, masasakit ang katawan ng buong pamilya sa kahahakot ng paninda.

Hay, ang mga kasalaulaang ginagawa ng tao sa Inang Kalikasan, hayan na ang ganti.

Heto ang ilan sa mga larawang kuha ko sa tapat ng bahay namin. Kaya nga ba na-bore ako sa floating market ng Bangkok, ganito lang yun eh:


Binalibag Ni Choleng ng 9:32 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Tuesday, September 22, 2009

Etsapuwera
Delayed reaction pero ngayon ko lang naalala'ng mag-react nang mabasa ko ang email ng Finance Department namin:

September 7, 2009 Holiday Exemption

Team,

Last September 4, 2009, Malacañang proclaimed September 7 as a special non-working day in lieu of the interment of Iglesia ni Cristo ( Church of Christ ) leader Ka Eraño “Erdy” Manalo . A company announcement was released to all Philippines to inform employees on the holiday, and the corresponding premium or compensatory time offs to be granted to employees who will be reporting to work that day.

On September 5, 2009, the Office of the President notified the media about the BPO and electronics industry being exempted from the holiday proclamation. The actual document (Proclamation 1874B), containing the details of the proclamation, was released a few days after September 7, which officially confirmed the holiday exemption.

With these developments, APS will hold on to the latest proclamation and will treat September 7, 2009 as a regular work day, thus the 30% premium for the day will no longer be applicable.

AT BAKIT K'ME ETSAPUWERA??? PILIPINO'NG URING MANGGAGAWA DIN NAMAN KAMI AH?

Binalibag Ni Choleng ng 9:22 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Sunday, September 20, 2009

Ay, Choleng!
Kung minsan masama rin yung hindi nagtatanong, assumptive masyado at feeling lagi'ng tama. AKO 'YUN!

Ganito k'se yun. Napagkasunduan namin ni Jomarie na sa 3:25 screening sa Shang manood ng In My life. Knowing na blockbuster ang pelikula, it's a Sunday at kasusuweldo pa lang, pumunta ako sa Shang isang oras bago ang screening para bumili ng ticket.

Pagdating ko sa takilya, walang nakapila sa usual na pilahan bagkus may isang mahabang pila na nakaharang sa entrance ng Cinema 2. Naisip ko, ang dami sigurong manonood ng In My Life kaya dun pinapila. Buti na lang inagahan ko. Di na ako nagtanong sa takilyera, dumiretso na ako ng pila dun sa mahaba.

30 minutes after, hindi gumagalaw ang pila at tila hindi nag-i-issue ng ticket. Imbiyerna na ako. Gusto ko nang umalis sa pila para magtanong pero naisip ko, sayang naman ang pila. Tinext ko si Jomarie, sinabi ko na nakapila pa rin ako. "I so hate this!," dagdag ko pa.

3:00 PM dumating ang Jomarie. Andun pa rin ako sa "pila" na dumoble na ang haba kaysa nang dumating ako. Sinabihan ko, paki-check kung namimigay na ng ticket. Nagpunta naman sa takilyera at pagbalik may dala nang ticket, ngising-aso at tila nahihiyang sinabi, "Bilis halika na..."

"Ha, bakit?" Masama na ang kutob ko. May kagagahan akong ginagawa alam ko.

"Eh Cine Europa yang pinilahan mo, libre yan."

Ay tanga!

P.S.

Although maganda yung movie, feeling ko di sulit yung binayad na P170 dahil una 'di talaga ako mahilig manood ng Tagalog movie (para lang akong nanood ng MMK sa sine) tapos dun kami napuwesto sa bandang harap gawa ng katangahan ko. Sakit sa mata!

Promise, sa susunod magtatanong na ako!

Binalibag Ni Choleng ng 10:15 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Saturday, September 19, 2009

Puppy Love - Rated R
Hindi ko na sasabihin kung saan ko nakuha ang sumusunod na kuwento pero ito ay halaw sa tunay na pangyayari. Medyo nilagyan ko lang ng konting burloloy pero nandun pa rin ang katotohanan. Wala ng marami pang tanong, magbasa na lang.

Heto ang sitwasyon. Si girlfriend ay nakikitira kay boyfriend, iisang kumpanya ang pinapasukan nila at iisang kuwarto lang ang tinutulugan siyempre.

Isang maulan na umaga, tinanong ng ama ng boyfriend ang anak, "May tuta ba sa kuwarto n'yo?"

"Ho?" gulilat na sagot ng boyfriend.

"Parang narinig ko k'se kagabi may umiiyak na tuta."

Hanggang d'yan na lang ang kuwento. Anumang pagkakahalintulad sa tunay na buhay ay hindi sinasadya.

Sorry na lang kung "pet lover" kayo.

Binalibag Ni Choleng ng 8:19 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Friday, September 18, 2009

Wowo-ngiih!!!
Babalik na raw si Willie sa Wowowee. Bakit pa eh tumatakbo naman ang show kahit wala siya? Tsk! Akala ko pa naman tuluyan na siyang sisipain at ire-reformat na lang ang show. Ayon sa Mommy ko, may mga maimpluwensiyang TFC subscriber na ibo-boycott “daw” ang TFC kapag ibinalik pa ang hari ng electric fan (mahangin kse!)

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit tila garapata sa aso’ng hindi maalis-alis si Willie sa show eh kahit sino naman ang host na ilagay mo eh papanoorin pa rin ng tao (‘wag lang ang walang katorya-toryang si Gabby). Mataas ang respeto ko sa kanya as a drummer (utang na loob, 'wag na siyang kumanta!) pero bilang isang host, tae siya. Nanghihiya ng mga kasama na para bang Perfecto ang pangalan nya.

Ayos din naman ang Kapamilya management. Ang siste eh hinayaan lang palang “mamatay” ang issue at ngayong limot na eh saka pababalikin ang aroganteng mahilig magpatalsik ng laway.

Eh bakit ba naman ako apektado eh di naman ako tagasubaybay ng show? Eh k’se kapag wala akong pasok, d'yan nakahimpil ang channel namin tuwing lunchtime. 2 days lang pero hindi ko makayanan! Kalaban mo naman si Mudra kapag inilipat mo ng channel kaya tiis lang kapag nagtatatalak na ang buhong.

Hay, pustahan pagbalik magdadrama na naman 'yan. Magpapaawa at bandang huli, siya na naman ang angat.

That's right!

Binalibag Ni Choleng ng 8:01 AM at 0 Nagdilim ang Paningin



Thursday, September 17, 2009

Bungi ka ba at patawa ka?
Ibang klase rin ang likaw ng bituka nitong si Erap. Sinipa na nga, aba'y nagbabalak pang tumakbo ulit.

Kinakabahan tuloy ako dahil ang mga Pinoy, may amnesia. Ang bilis makalimot!

Hmp! Kapag tinangkilik pa naman siya ng Pinoy, para lang silang aso na kinain ang sariling suka.

Eeew!

Binalibag Ni Choleng ng 7:59 AM at 0 Nagdilim ang Paningin

www.thejaynamonologues.blogspot.com